Listahan ng rice traders na maaaring may kinalaman sa pagmamanipula ng presyo ng bigas sa merkado sinusuri na

0
20

Sinusuri na ng Department of Agriculture ang kanilang listahan ng rice traders na maaaring may kinalaman sa pagmamanipula ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maraming imported na bigas sa bansa ngunit hindi nararamdaman ang pagbaba ng presyo.

Sa ngayon ay nasa halos P45 kada kilo ang presyo ng bigas sa merkado.

Tinitignan din ng ahensya ang anggulong ”rice hoarding” dahil posible pa umano itong mangyari.

Matatandaang pagkatapos maisabatas ang rice tarrification ay bumaha na ng suplay ng imported na bigas sa bansa.