Listahan ng ‘ninja cops’ naisumite na ng Senado kay Duterte —Gordon

0
16

Ipinauubaya na ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte kung papangalanan ba ang mga nasa listahan ng mga umano’y ‘ninja cops’ na nagrerecycle ng iligal na droga.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees, kanila nang isusumite ang naturang listahan sa pangulo.

Una rito, napagkasunduan ng senado na isapubliko ang mga ibinunyag sa executive session ni dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sinabi ni Gordon na ang naturang mga ‘ninja cops’ ay pawang mga senior police officers.

Naging tikom naman ang bibig ng senador ukol sa napaulat na kasama si PNP Chief Oscar Albayalde sa nasabing listahan.