30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador ipinagpaliban ng Comelec

- Advertisement -

Ipagpapaliban muna ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalabas ng listahan ng mga kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, tatapusin muna nila ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) bago ang naturang listahan.

Nakatutok pa aniya sila sa canvassing ng mga boto na ginanap noong Lunes habang may isasagawa pang plebisito sa Pebrero 6 sa Lanao del Norte at ilang lugar sa North Cotabato.

Maliban dito, sinabi ni abas na pinaplantsa pa ng komisyon ang listahan para sa mga tumatakbong senador.

Nakatakdang magsimula ang campaign period sa pagka -senador sa Pebrero 12 na matatapos naman sa Mayo 11.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -