28.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Davao: Lisensya Ng Mga Baril Na Nakumpiska Ng Task Force Davao At Calinan Police Station Check Point, Expired

- Advertisement -

Davao City – Hindi na mababawi pa ng Dephian Security Agency ang 61 na mga armas na nakumpiska ng Task Force Davao (TFD) at Calinan Police Station Checkpoint noong September 25, 2021 alas 10:00 ng umaga.

Ayon kay Police Major Jake Goles, hepe ng Calinan PNP na expired na ang License to Own and Posses Firearms (LTOPF) ng Dephian Security Agency  kung kaya’t  sila ay sinampahan na  ng kaso.

Dagdag ni Goles na dalawa’ng mga kaso ang kanilang sinampa, ang RA 10591 Illegal Possession of Firearms and Ammunition at ang RA 5487 Private Security Act  matapos  ma-revoke din ang license and certificate ng nasabing security agency.

Samantala, una ng nasampahan ng kaso’ng violation ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  at  RA 10591 sina Michael John Lantoria, 40 anyos,  na taga Cagayan de Oro City at Sebastian Quiblat 61 anyos, na taga Misamis Oriental kung saan nakunan ng mga pakete ng pinaghihinalaang  shabu at armas.

(Source: Calinan Police Station, photo courtesy of KAMM Media Network)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -