30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Linya ng PNR mula Caloocan patungong Makati bubuksan na

- Advertisement -

Bubuksan nang muli ang linya ng Philippine National Railways o PNR mula Caloocan patungong Dela Rosa sa Makati.

Ayon sa Department of Transportation, bukas ang soft opening ng biyahe tren mula Caloocan hanggang Makati na may minimum fare na P15.

Sa inisyal na operasyon, kabilang sa mga hihintuang istasyon ng biyaheng ito ang 10th Avenue, 5th Avenue, Solis, Blumentritt, España, Sta. Mesa at Dela Rosa.

Pagmamalaki naman ng PNR, ito ang pinakamabilis na paraan ng transportasyon para makarating ng Makati ang mga manggagaling sa Caloocan dahil tinatayang nasa 37 minuto lamang ang inaasahang oras ng biyahe.

Matatandaang, 20 taon na ang nakalilipas nang huling mag-operate ang naturang linya ng PNR.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -