Limang katao nasawi sa nagyayaring kilos protesta sa Iraq

0
13

Nasawi ang limang katao at mahigit 100 ang sugatan sa ikinasang kilos protesta sa Iraq.

Sigaw ng mamamayan sa naturang bansa ang mas maraming trabaho, magandang serbisyo sa publiko at pagtigil ng kanilang pamahalaan sa korapsyon.

Mariing kinondena naman ni Iraq Prime Minister Adel Abdul Mahdi ang nagaganap na kaguluhan sa kanilang banda.

Samantala, pumalo naman sa 68 ang kapulisan na sugatan sa malawakang kilos protesta.