Licensure exam ng mga medical graduates ipinanawagang ituloy ngayong taon

0
10

Nanawagan si San Jose Del Monte City Representative Florida Robes sa Professional Regulation Commission na ituloy na ang licensure examination ng mga medical graduates ngayong taon.

Paliwanag ni Robes, ito’y upang matugunan na ang kakulangan sa mga medical practitioners sa bansa ngayong mayroong kinahaharap na pandemya dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iminungkahi ni Robes ang pagkakaroon ng isang electronic platform para maisagawa ang physician licensure examination (PLE).

Magugunitang ilang ulit ipinagpaliban ang PLE dahil sa banta ng COVID-19.