Tinatayang libu-libong manggagawa ang makikiisa sa kilos protesta sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong araw.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Sec. Gen. Jerome Adonis, makakasama ng kanilang grupo ang iba pang mga labor groups na magsasagawa rin ng kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.
Sa isang facebook post naman ibinahagi ng grupo ang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nilang “Duterte traydor”.
Paliwanag ni Adonis, nais ipakita ng grupo ang pagiging traydor ng Pangulo sa mga manggagawa matapos nitong hindi tuparin ang kaniyang pangakong tuldukan ang kontraktuwalisasyon sa bansa.
Aniya, layon din nilang tutulan ang umano’y black propaganda at pagdukot ng gobyerno para hindi bumuo ng unyon.
Samantala, nakatakda rin namang magkilos protesta ang iba pang miyembro ng KMU sa mga lalawigan sa bansa.