31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

LGU officials na mabibigong maipamahagi ang first tranche ng SAP hanggang Abril 30 parurusahan —Palasyo

- Advertisement -

Nagbabala na ang Malacañang laban sa mga lokal na pamahalaan na mabibigong makapag pamahagi ng unang bugso ng tulong pinansiyal sa kanilang mga residente hanggang sa katapusan ng buwan ng Abril.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mahaharap na sa kaukulang parusa ang sinumang lokal na opisyal na hindi pa makakapag pamigay ng first tranche ng financial sa kanilang mga constituents hanggang sa darating na Abril 30.

Aniya ito ay dahil dumarami na ang natatanggap na reklamo hinggil sa mabagal na pamamahagi ng ayuda na inilaan ng pamahalaan para sa pinaka mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19.

Una rito, inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lokal na pamalaan na pabilisin na ang pamamahagi ng ayuda lalo’t dumarami ang mga report ng mga hindi pa nakatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda mula sa pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -