LGU maaaring gamitin ang calamity fund kontra COVID-19

0
21

Maari nang gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga calamity fund para tugunan ang banta ng corona virus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod na rin ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation order number 922 na nagde deklara ng state of public health emergency sa buong Pilipinas.

Ayon Presidential Spokesman Salvador Panelo, binibigyan ng kapangyarihan ng naturang proklamasyon ang mga LGU na magamit ang calamity fund para sa labanan ang COVID-19.