Wednesday, May 1, 2024

LGU-Buhi Nagpatupad Ng Lockdown Sa Isang Barangay Dahil Sa LSI Na Nag Positive Sa Covid 19

- Advertisement -

Iriga City –  Agad na nagpatupad ng lockdown si Mayor Margie Aguinillo ng Buhi, Camarines Sur sa isang sona sa brgy Tambo sa nabanggit na bayan matapos na magpositibo an isang LSI O locally stranded individual na umuwi sa bayan noong July 3, 2020 mula sa lalawigan ng Laguna.

Sa pinalabas na official statement ng Mayor, kanyang sinabi na may dati ng karamdaman sa kidney ang pasyente subalit noong August 18, sinabi ng DOH-CHD bicol na positive sa Covid 19 si Bicol # 829 na isang ginang na 65 taong gulang.

Sa ngayon, patuloy na ang ginagawang contact tracing ng local na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng biktima, kasabay ng pagsabi na ang iba sa kanila ay nasa isolation area na ng LGU-Buhi.

Samantala, ibinalita pa ng Mayor ang pagiging negative sa swab test ng mga naging close contact nila bicol patient # 321, 483, 585 at 655, samantalang hinihintay pa ang resulta sa mga nakasalamuha ni patient 521.(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: LGU Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img