Lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon patuloy na bumababa

0
52

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam sa bansa partikular na sa Luzon.

Batay sa PAGASA Hydrology Division, nasa 194.38 meters ang water level ng Angat dam kaninang umaga mas mababa ito kumpara sa 194.79 meters kahapon.

Bahagya ring bumaba ang water level ng La Mesa dam mula 68.55 meters kahapon ay nasa 68.54 meters naman kaninang umaga.

Samantala, pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, San Roque dam, Pantabangan dam, Caliraya dam at Magat dam.