32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon patuloy na nababawasan

- Advertisement -

Patuloy na nababawasan ang water level sa ilang dam sa Luzon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa hydrology division ng PAGASA, alas 6:00 kaninang umaga ay naitala sa 165. 25 meters ang water level sa Angat Dam mula sa 165. 784 meters kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang water level sa La Mesa Dam na nasa 68.64 meters ngayon kumpara sa 68. 67 meters kahapon.

Bukod dito, bumaba rin ang antas ng tubig sa Ambuklao, Pantabangan at Magat Dams.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo Dam na ngayon ay nasa 100. 74 meters.

Samantala, nadagdagan naman ang water level sa Binga, San Roque at Caliraya Dams.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -