Lebel ng tubig sa Angat Dam bahagyang tumaas sa nakalipas ng 24 oras

0
15

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam makalipas ang 24 oras.

Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, nasa 186.54 meters na ang tubig sa naturang dam na mas mataas kumpara sa 185.58 meters kahapon.

Tumaas din ang water level sa La Mesa Dam mula 77.59 meters kahapon ay nasa 77.65 meters na ngayong araw.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao Dam, Binga Dam, Pantabangan Dam at Magat Dam.

Samantala, nabawasan naman ang tubig sa San Roque Dam at Ipo Dam.

Wala namang naitalang paggalaw sa lebel ng tubig sa Caliraya Dam na nananatili sa 287.20 meters.