Learning Continuity Plan sisimulan na ng DepEd para sa SY 2020-2021

0
40

Sisimulan na ng Department of Education (DEPEd) ang Learning Continuity Plan (LCP) upang maipagpatuloy ng mga guro at estudyante ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pagsisimula ng school year 2020-2021 sa Agosto 24.

Ayon sa DepEd, ang LCP ang kanilang pangunahing tugon upang masiguro ang kalusugan, seguridad, at buong katauhan ng kanilang mga mag-aaral, guro, at personnel sa gitna ng nararanang krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Anila, ang LCP rin ay pagtalima ng kagawaran sa “new normal” habang mahigpit na sinusunod ang kanilang adhikaing “Sulong Edukalidad at Kinabukasan ng Edukasyon”.

Samantala, nilinaw naman ng DepEd na ang pagpili ng LCP sa pagbubukas ng klase sa Agosto ay nakadepende sa magiging sitwasyon ng bansa sa COVID-19 at kanila paring ikokonsidera ang local public health para sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at tauhan.