Lapeña pormal nang bumaba sa pwesto bilang BOC commissioner

0
43

Pormal nang bumaba sa bilang Bureau of Customs (BOC) commissioner si dating General Isidro Lapeña at inilipat na ang liderato ng ahensya kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Rey Guerrero.

Sinabi ni Lapeña sa kaniyang farewell speech na ginawa niya ang lahat ng kaniyang kayang gawin sa panunungkulan bilang Customs chief sa loob ng labing apat na buwan.

Inamin ni Lapeña na “very challenging task” ang pagiging Customs chief subalit masasabi naman aniya niyang fulfilling ito.

Ibinida naman ni Lapeña ang pagtaas ng daily at monthly collection ng BOC sa ilalim ng kaniyang termino bukod pa sa cleansing efforts niya laban sa korupsyon.

Kasabay nito, hiniling ni Lapeña kay Guerrero na patuloy na pairalin ang incentive reward sa mga makaka hit ng kanilang target collections.


Bagong BOC commissioner idinepensa ang tila militarisasyon sa ahensya

Idinipensa ng bagong Bureau of Customs commissioner ang tila pagsailalim sa militarisasyon ng buong ahensya dahil sa malawak na korupsyon dito.

Kasunod na rin ito nang isinagawang press briefing ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero matapos ang turnover ceremony sa Port Area.

Binigyang diin ni Guerrero na isa naman na siyang sibilyan at magiging suporta lamang ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pag-aaralan pa aniya ang magiging deployment ng mga sundalo na pipiliin base sa kanilang integridad at kakayahan.

Tumanggi si Guerrero na idetalye ang diskarte niya sa pangangasiwa sa Customs partikular ang plano para maiwasang malusutan ng shipment ng illegal drugs.