30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Lalaking nasa likod ng pagbebenta ng bandila ng China sa Luneta Park hinahanap na ng mga otoridad

- Advertisement -

Pina-I-Imbestigahan na ng PNP o Phil. National Police ang napaulat na bentahan ng bandila ng china sa Luneta Park sa Maynila.

Ito, ang kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde, kung saan inatasan na niya ang MPD o Manila Police District upang imbestigahan ang nasabing pangyayari.

Ayon kay Albayalde, nais lamang nilang malaman kung ano ang motibo sa likod ng pagbebenta ng watawat ng China.

Aniya, posibleng may gustong mambastos sa bansa lalo’t papalapit na ang araw ng Kalayaan, sa Hunyo 12.

Una rito, kinumpirma ng NPDC o National Parks Development Committee na siya namang namamahala sa Luneta Park na nakunan ng CCTV ang paglapit ng isang lalaki sa ilang mga vendors sa lugar.

Napag-Alaman na sa halagang 100 piso bawat isa ay inutusan umano ang nasabing vendors na ibenta sa publiko ang ilang mga bandila ng China.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -