34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Lalaking may Warrant of Arrest sa paglabag sa RA 7610, arestado ng Iriga City PNP

- Advertisement -

Arestado ang isang lalaki na may Warrant of Arrest sa paglabag sa RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” sa isinagawang Manhunt Operation ng Iriga City Police Station nito lamang ika-21 ng Pebrero taong 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Raplh Jason V. Oida, Officer-in-Charge ng nasambit na himpilan ang suspek na si alyas “Jesus”, 62 taong gulang, driver, at residente ng Zone-2, San Nicolas, Iriga City.

Ayon kay PLt Col Oida, bandang 5:15 ng hapon ng Pebrero 21, 2023, ng naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga operatiba ng Iriga City Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa ias na barangay ng San Nicholas.

Ayon pa kay PLt Col Oida, ang suspek ay naaresto sa ias ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 7610 na pinalabas ng RTC Branch 7 noong ika-20 ng Pebrero taong 2023 na may nirekomendang pyansa sa halagang Php 200, 000.00.

Samantala, lalo pang pinaigting ng Iriga City PNP ang kanilang mga aktibidad at operasyon laban sa mga taong lumabag sa batas para sa kaligtasan ng bawat mamamayan lalo na ng mga kabataan. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via MPS Iriga City, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -