Lalaki na nagkunwaring miyembro ng Philippine Army sa lungsod ng Baguio nakakulong

0
7

Nakapiit ngayon sa Baguio City Jail Male Dorm ang 25 taong gulang na lalaki na nagpanggap na miyembro ng Philippine Army dahil sa reklamong Disobedience to an Agent of Person in Authority at Malicious Mischief noong lunes Agosto a 28, ng taong ito.

Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office Substation 7 ng Abanao naiulat ang suspek sa pulisya naka inom ng alak at nanggugulo sa boarding house ng kasintahan nito. Habang nananatili sa holding facility ng himpilan ng pulisya ay pinagsabihan ng hindi magandang salita ang mga pulis na naroon at ganon din ang pag sira ng kahoy na kama at upuan sa loob ng bilangguan. Dahil diyan ay pinusasan ng mga pulis ang nasabing lalaki upang hindi na makapanira ng mga gamit doon.

Ayon sa huling ulat ng pulisya, nasampahan na ng reklamo laban sa suspek sa piskalya dito sa Lungsod ng Baguio.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Philippine Army)

Leave a Reply