Lakers pasok na sa susunod na round ng Western Conference Playoffs

0
16

Muling nagpakita ng bangis sina LeBron James at Anthony Davis sa ginawang paglampaso ng Los Angeles Lakers sa Portland Trail Blazers sa score na 131-122 sa Game 5 ng kanilang Western Conference first round series.

Kumamada si Davis ng 43 points habang nagdagdag si James ng 36 points.

Samantala, isa sa mga dahilan kaya hindi umano nakaporma ang Blazers ay dahil wala ang pambato nitong si All-Star guard Damian Lillard na nagpapahinga ngayon dahil sa injury sa tuhod.