Lakers handa na sa pagbabalik ng NBA

0
30

Inihayag ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James na handa na siya sa pagbabalik ng National Basketball Association (NBA) sa kabila ng umano’y panawagan ng ilang agents at team executives na kanselahin na ang 2019-20 season.

Matatandaang itinigil ng NBA ang mga laro noong Marso 12 matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Rudy Gobert ng Utah.

Una nang ibinalita ng CNBC na nangangamba umano ang ilang team owners sa laki ng posibleng mawala sa kanila kapag itinuloy ang balak na pagkakaroon ng laro sa isang ‘empty arena’ at ipakita ito sa television audience.

Ngunit itinanggi ito ni James sa pagsasabing handa siya at ang team na tapusin ang kasalukuyang season.