Lakas CMD nagkaroon ng pagpupulong para sa 2022 elections

0
19

Palalakasin umano ng Lakas CMD ang kanilang partido para sa 2022 elections.

Sa pamamagitan ito ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez nang pagpapabalik sa kanilang mga dating miyembro dahil nasa proseso sila nang pagtatayo muli ng dating ruling party.

Una nang nagpulong ang mga miyembro ng Lakas CMD sa Sampaguita Gardens sa Quezon City kagabi na pinangunahan nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating House Speaker Jose De Venecia na kapwa mga opisyal ng partido.

Si Arroyo ay tumatayong President Emeritus ng Lakas CMD samantalang si Romualdez naman ang Pangulo ng partido.