Lacson tiwalang hindi lalabagin ni Robredo ang mga patakaran sa gobyerno

0
23

Hindi minasama ng isang senador ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos nitong bantaan na kanya tatanggalin sa Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD) si Robredo kapag isapubliko nito ang classified information na maaaring ikapahamak ng seguridad sa bansa.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, walang sinomang pinapayagang magbahagi ng mga classified information na magkokompromiso sa national security ng bansa kahit pa ito ay Bise Presidente.

Aniya, tiwala naman siya kay Robredo na hindi nito lalabagin ang patakaran ng gobyerno patungkol sa classified information.

Sa huli, iginiit rin ng senador na isang uri ng crime of espionage ang paglabag sa pagsisiwalat ng mahalagang impormasyon ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan sa publiko. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)