Lacson may duda sa pagsuko ng lider ng Abu Sayyaf Group

0
10

Duda si Senador Panfilo Lacson sa posibilidad na may halong pulitika ang pagsuko ni Abu Sayyaf Leader Anduljihad Indang Susukan sa pulisya sa Davao City.

Ayon kay Lacson, kung totoo ang kaniyang hinala posibleng maging dahilan ito ng paghina sa kampanya ng pamahalan kontra terrorismo partikular sa pagpapatupad ng anti-terrorism act of 2020.

Sinabi ni Lacson, talo ang lahat kung maghahalo ang pulitika at terorismo tulad sa kaso ni Susukan.

Iginiit ng senador, una na rin aniyang naaresto si Susukan bago pa man ang sinasabi ni Misuari na nakikipag-ugnayan siya sa pamahalaan para sa pagsuko nito.

Una nang napaulat na sumuko si Susukan kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari noon pang Abril kung saan naibiyahe pa ito patungong Davao City mula Jolo nang hindi natutunugan ng mga awtoridad.