Labor attache na sangkot sa naudlot na pagpapadeport sa Pinay OFW sa Taiwan pina-rerecall ni Drilon

0
10

Pinare-recall ni Senator Franklin Drilon ang isang labor official na sangkot sa naunsyaming pagpa-padeport sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan dahil umano sa pagsasalita nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Drilon, hindi karapatdapat sa kaniyang posisyon si Fidel Macauyag ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Ani Drilon ang trabaho ni Macauyag ay ang protektahan ng kapakanan at karapatan ng mga OFW.

Ngunit aniya nanguna pa itong umapela para sa deportation ni Elanel Ordidor matapos umano nitong magpalabas ng mga pahayag at komento na laban sa pangulo.

Una rito, ibinasura ng Taiwan government ang request ng Department of Labor and Employment (DOLE) na deportation ni Ordidor dahil sa pananaig umano ng karapatan sa pamamahayag sa kanilang bansa na tinatamasa ng kanilang mamamayan at maging ng mga migrant workers.