Wednesday, May 8, 2024

Labi ni dating speaker Nograles nakalagak sa Heritage Park sa Taguig

- Advertisement -

Ginunita ni dating pangulo ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang kaniyang ala-ala kay yumaong dating speaker Prospero Nograles.

Ayon kay Ginang Arroyo, tiyak na ma-a-alala ng lahat si “Nogie” dahil sa pagiging mapagpakumbaba nito kaya’t mahal siya hindi lamang ng mga kapwa niya mambabatas kundi ng buong Kamara.

Malaking karangalan din ayon kay Ginang Arroyo na maging speaker niya si Nograles noong siya pa ang pangulo mula 2008 hanggang 2010 sa ilalim ng ika-14 na kongreso.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng yumaong dating house speaker sa chapel 1 ng Heritage Memorial Park sa Fort Bonifacio, Taguig City at bukas ito sa publiko hanggang sa Martes, Mayo 7 bago ito ilipad patungo sa Davao para doon ihimlay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img