33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

LA Lakers, Clippers game ngayong Enero 28 ipinagpaliban

- Advertisement -

Ipinagpaliban ng NBA ang nakatakdang laro ngayong Martes, Enero 28, sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

Ito ay para bigyang pagkakataon ang LA Lakers na magkaroon ng mas mahabang panahon para ipagluksa ang pagkamatay ng  dating player nitong si Kobe Bryant.

Sa Staples Center dapat isasagawa ang nasabing laban na home court ng Lakers.

Ayon sa NBA, labis na nagluluksa ang Lakers Organization kaya’t minabuting ipagpaliban ang nasabing laban.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -