Kuntento ang majority ng Pilipino sa kinalabasan ng 2019 midterm elections —SWS

0
55

Ipinamukha ng Malakaniyang sa mga  kritiko lalo na sa hanay ng minorya na duda sa resulta ng halalan ang lumabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan kuntento ang mayorya ng Pilipino sa kinalabasan ng 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong taumbayan na ang nagsalita kung kaya’t dapat nang itigil ang pang iinsulto sa mga botante.

Tinutukoy ni Panelo ang umano’y klase ng mga pulitikong ibinoto ng maraming Pilipino.

Kasabay nito, tiniyak ng Malakaniyang na mas lalo pang magsusumikap si Pangulong Rodrigo Duterte na makapag iwan ng magandang electoral reform legacy sa bansa.