34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Kumpiyansa ng publiko sa ekonomiya bumaba—BSP survey

- Advertisement -

Bumaba ang kumpiyansa ng publiko sa ekonomiya, batay sa consumer expectations survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Ito’y sa gitna ng patuloy na inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular ng mga pagkain.

Sa third quarter survey o simula Hulyo hanggang Setyembre, negative 7.1 percent ang overall confidence index.

Matapos ang walong quarter ng positibong consumer reading, ngayon na lamang bumagsak sa negatibo ang pagtingin ng mga consumer sa ekonomiya, pinansyal na kalagayan at kinikita ng kanilang pamilya.

Gayunman, nilinaw ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na normal lamang tuwing tag-ulan bumaba ang kumpyansa ng publiko sa ekonomiya.

Malaki rin aniya ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa international market sa mabilis na inflation rate sa Pilipinas.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -