Kumpirmadong kaso ng nCoV sa US sumampa na sa 11

0
19

Sumampa na sa 11 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus acute respiratory disease nCoV-ARD sa Estados Unidos.

Ayon sa California Health Officials, 1 mula sa Santa Clara County, at 2 pa sa San Benito County, ang panibagong kaso ng nCoV-ARD sa Amerika.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng US Centers for Disease Control and Prevention na isinailalim na sa 14-day quarantine protocol ang mga nagpositibo sa nCoV-ARD.