35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cainta, Rizal nasa may 559 na

- Advertisement -

Pumalo na sa 356 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling o nakarekober mula sa COVID-19 sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Mayor Keith Nieto, 13 naman ang mga bagong nagpositibo sa kanyang nasasakupan, 8 ang bagong gumaling, habang walang naitalang casualty o nasawi sa loob ng 8 araw kaya’t nananatili sa 28 ang bilang ng mga namatay sa nabanggit na bayan.

Nasa 559 na ang kumpirmadong kaso sa Cainta habang umakyat sa 175 ang active cases kung saan 22 ang nakaratay o ginagamot sa ospital habang 153 ang naka-home quarantine.

Ayon kay Nieto, ang pinakamaraming nagpositibo sa COVID-19 ay ang Barangay San Andres na umaabot sa 192, sinundan ng Barangay San Isidro na 140 habang pinakakonti naman sa Barangay Sta. Rosa na umabot lamang sa 7 kaso.

Samantala, muli namang nagpaalala ang Alkalde sa mga residente na sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shields at pagsunod sa social distancing tuwing lalabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng local transmission.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -