Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 187

0
40

Umakyat na sa 187 kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng Department of Health (DOH) ng 45 kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19.

Iniulat din ng DOH ang pag rekober ng isang pasyente kaya’t apat na ang nakakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

Tinukoy ng DOH ang nasabing nakarekober na si patient 25, isang 31 anyos na lalaking Pinoy na mula sa MV Diamond Princess na isinailalim sa quarantine sa Yokohama, Japan.

Siya ang ikalawang Pinoy na nakarekober mula sa COVID-19.