Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 2,311 —DOH

0
23

Muli na namang nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,311 ang tinamaan ng nasabing virus o nasa 227 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na magdamag.

Ipinabatid ng DOH na isang pasyente ang naka-recover sa virus kaya’t nasa 50 na ang total recoveries sa bansa.

Samantala, 8 pasyente ang nasawi kaya’t ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas ay nasa 96.