Kooperasyon ng Muslim leaders para sa kapayapaan sa Metro Manila hiniling ng NCRPO

0
24

Hinihiling ng National Capital Region Police Office sa mga Muslim leaders sa Metro Manila ang kanilang kooperasyon para sa kapayapaan sa komunidad.

Ayon kay NCRPO Chief Pol. Brig. Gen. Debold Sinas, nakipagpulong na sila sa mga Muslim leaders para suportahan ang inisyatibo ng PNP para maging mas produktibo ang mga programa at serbisyo nito.

Dagdag pa rito, nais rin ni Sinas na matiyak ang pagtugon ng mga ito sa anumang banta ng mga bandidong grupo o mga karahasan.

Samantala, tiniyak naman ng mga Muslim leaders na sila’y tutugon sa nais ng NCRPO sa matagumpay na mga programa ng PNP sa pamamagitan ng pagtutulungan.