Naga City – Muli na namang lumabas ang pangalan ang kontrobersyal na pari na si Fr. Paul Martino Tirao matapos itong ireklamo ng sariling ina matapos umanong bantaan ang buhay ng kanyang mga kapatid.
Maalala na una ng lumabas ang kanyang pangalan noong Hunyo 2018 matapos syang maging suspek sa pag pagpatay kay Jeraldyn Rapiñan sa San Fernando.
Base sa mga pahayag ni Estrella Tirao, 75-anyos, ina ng naturang pari, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng anak na nauwi sa pagbabanta nito.
Sinabi umano ng pari na kung magsusumbong ang mga kapatid ng kanyang ina sa Palasyo ng Archdiocese of Caceres, babarilin niya ang mga ito.
Dahil sa takot, agad namang nagreport si Ginang Tirao sa mga otoridad.
Sa panayam kay Kapitan Efren Nepomuceno ng Barangay San Francisco, nagpadala na aniya silang imbitasyon sa pari ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong tugon.
(Source: Bicol News)
