Tuesday, May 7, 2024

Konsehal ng San Fernando Cebu patay sa pamamaril

- Advertisement -

Isang konsehal ng bayan ng San Fernando, Cebu ang patay matapos pagbabarilin sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del sur.

Kinilala ang biktimang si Alfonso Donaire, na pinagbabaril ng riding-in-tandem habang pauwi sa kanilang bahay.

Si Donaire na ang ika-apat na lokal na opisyal ng San Fernando na pinaslang simula noong Enero.

Enero nang tambangan naman si Barangay Chairman Ricardo Reluya, asawa ng kasalukuyang alkalde ng San Fernando, Cebu na si Lakambini Reluya.

Taong 2017 nang arestuhin ang konsehal dahil sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs at possession of firearms.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img