Friday, May 3, 2024

Kongreso target maipasa sa huling pagbasa ang federal charter ngayong araw

- Advertisement -

Target ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ang draft federal charter o panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution ngayong araw.

Ayon kay House Committe on Constitutional Amendments Chairman Vicente Veloso, muling isasalang para sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses Number 15 ngayong hapon.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng term extension ang mga miyembro ng Kongreso habang magkakaroon ng karagdagang termino ang presidente at bise presidente.

Una nang inihayag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na target nilang maipasa ang draft federal charter na isa sa priority bill ng Pangulo bago mag-adjourn ang Kongreso ngayong Disyembre.

(Ulat ni Jill Resontoc)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img