35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Kongreso ‘nagkakagulo’ sa 2019 proposed budget

- Advertisement -

Naantala ang pagsisimula sana ng marathon session ng House of Representatives para sa panukalang 3.757 trillion pesos na pambansang budget para sa 2019.

Ito ay matapos magkaroon ng tensyon sa ipinatawag na all member caucus ng liderato ng Kamara.

Sa nasabing caucus, inutusan umano nina House Speaker Gloria Arroyo at House Majority Leader Rolando Andaya si House Appropriations Chairman Karlo Nograles na alisin ang natuklasang 55 billion pesos umanong isiningit sa 2019 proposed budget para sa mga proyekto ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Gayunman, wala umanong magawa si Nograles dahil naiipit ito lalo’t mismong mga matataas na opisyal umano sa Malacañang ang nag-utos na huwag galawin ang nasabing alokasyon.

Sinasabi pang may ibang alokasyon ang binawasan para mapunan ang pondo para sa mga proyekto ni Alvarez.

Kasunod nito, humantong umano sa sigawan ang pagtatalo nila Andaya, Nograles at Appropriations VICE chairman L-Ray Villafuerte.

Samantala, itinanggi ni House Majority Leader Rolando Andaya na nagsigawan sila ni Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles at Camarines Sur 2nd District Rep. L-Ray Villafuerte sa executive meeting para sa proposed 2019 national budget, kahapon.

Ayon kay Andaya, imposibleng magkaroon ng sigawan lalo’t nasa meeting si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo.

Nagkaroon lamang aniya ng paliwanagan na hindi babawasan ang 3.757 trillion peso na panukalang budget ng Malacañang at ipinaabot ang reklamo ng mga kongresista na may mga proyekto sa kanilang distrito na ipinatupad nang hindi nila alam.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Villafuerte at iginiit na pinu-pulitika lamang siya ni Andaya na karibal ng kanyang anak sa Camarines Sur.


Liderato ng Kamara walang planong bawasan ang 2019 budget ng Duterte admin

Walang plano ang liderato ng Kamara de Representantes na bawasan ang proposed budget ng administrasyong Duterte sa 2019.

Ito ang iginiit ni Majority Floor Leader Rolando Andaya kasunod ng ulat na nagkaroon ng tensyon sa Kamara sa usapin ng panukalang pambansang budget.

Ayon kay Andaya, pinag-aaralan lamang ng liderato ng House of Representatives ang proposed 2019 budget matapos na rin makarating ang ulat na may isiningit na 55 billion pesos na pondo ang kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Gayundin aniya, ang nakarating na reklamo ng ilang mga kongresista hinggil sa kanilang mga pondo para sa kani-kanilang mga distrito.

Iginiit pa ni Andaya, nais lamang din nilang matiyak na nasusunod ang unang napagkasunduan sa naunang ipinalabas na committee report

Dagdag ni Andaya, tuloy ang pagproseso ng Kamara sa 2019 proposed budget at ang sponsorship ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles mamaya.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -