Kongresista ikinadismaya ang hakbang ng Adamson University ukol sa mga estudyanteng Chinese

0
32

Ikinadismaya ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang naging hakbang ng pamunuan ng Adamson University upang maiwasan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus.

Ito ay matapos na hindi papasukin ng naturang unibersidad ang kanilang mga estudyanteng Chinese nationals.

Ayon sa mambabatas, tila diskriminasyon ang ginawa ng Adamson lalo na’t wala namang sintomas ng nCoV ang mga estudyanteng Chinese.

Aniya, karamihan sa mga estudyanteng intsik ay matagal nang naninirahan sa Pilipinas.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng unibersidad at naglabas na ng memo na nag-aatas na magself quarantine hanggang February 14 ang kanilang mga estudyanteng Chinese.