Radio Philippines Network
Headlines National News

Klinika kung saan nasawi ang isang ginang matapos magpa liposuction ipinasara na

Ipinasara na ang klinika sa Makati City kung saan nasawi ang isang ginang matapos magpa-liposuction.

Isinilbi ng Makati City Business Permit Office at ng Makati City Police ang closure order sa Contours Advanced Face and Body Sculpting Institute sa Paseo De Magallanes sa Makati.

Nabatid na walang business permit at hindi nagbabayad ng buwis ang naturang kumpanya mula taong 2011.

Matatandaang nasawi ang ginang na si Nory Bobadilla, 43 anyos at isang negosyante mula sa Negros Occidental matapos nitong sumailalim sa liposuction procedure sa nasabing klinika.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Makati City Police Chief Rogelio Simon na inihahanda na nila at ng pamilya ng biktima ang isasampang kaso laban sa may ari ng klinika.

Related posts

Sapat na suplay ng tubig ngayong tagtuyot tiniyak —NWRB

Powered by DWIZ

Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 49 —DOH

Powered by DWIZ

Mga hahawakang komite ng mga papasok na bagong senador kasado na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More