Monday, May 13, 2024

Klase, mga aktibidad sa eskwelahan nananatiling suspendido hanggang Abril 14

- Advertisement -

Nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas at mga aktibidad sa eskwelahan hanggang Abril 14.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng enhanced community quarantine sa buong Luzon si Pangulong Rodrigo Duterte simula kaninang hating gabi hanggang hating gabi ng Abril 13.

Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahigpit na ipagbabawal din ang anumang klase ng mass gathering o pagtitipun-tipon.

Ipatutupad din aniya ang work from home arrangement sa lahat ng mga kawani na nasa ilalim ng ehekutibo maliban sa Philippine National Police(PNP), Armed Forces of the Philippines  (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), mga health at emergency frontlines at iba pang kabilang sa mga kritikal na serbisyo.

Sa bahagi naman ng pribadong sektor sinabi ni Nograles, tanging ang mga establisyimentong may kaugnayan sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailan at serbisyo ang papayagang magbukas.

Kinakailangan ding matiyak ng pamunuan ng mga nabanggit na establisyimento na kanilang i-aadopt ang pagkakaroon ng skeletal workforce para makapagpatuloy sa operasyon.

Samantala, sinabi ni Nograles na papayagan ding magpatuloy sa operasyon ang mga bpo o business process outsourcing basta’t matiyak ang pagpapatupad ng social distancing measures sa kanilang mga empleyado.

Dapat din aniyang mabigyan ng mga nabanggit na industriya ang kanilang mga empleyado ng  pansamantalang matutuluyan at transportasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -