Kita sa takilya ng “Avengers: Endgame” umabot sa 60 million dollars sa unang araw

0
51

Umabot sa 60 million dollars ang kita sa takilya ng “Avengers: Endgame” ng Marvel Universe sa unang araw pa lamang nito sa mga sinehan sa U.S at Canada.

Ayon sa Walt Disney, posibleng sumampa sa 300 million dollars ang kitain ng naturang pelikula ngayong weekend.

Maaari rin nitong malampasan ang kasalukuyang domestic record na 258 million dollars na kinita ng “Avengers: Infinity War” noong isang taon.

Ang tatlong oras na pelikulang pinagbibidahan nina Robert Downey Jr, Chris Evans, Chris Hemsworth at Scarlett Johansson ang huling chapter ng Marvel films sa ngayon.