Kisame ng NAIA Terminal 3 bumagsak

0
11

Gumuho ang isang bahagi ng kisame ng o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal  3 sa lungsod ng Pasay.

Sa pahayag ng airport police department, dakong alas-3 ng madaling araw ng miyerkules nang bumagsak ang bahagi  ng kisame sa food hall na nasa ika-4 na palapag ng gusali.

Mabuti na lamang at sarado ang naturang food hall ng mangyari ang insidente, at wala ring naitalang nasaktan dahil sa insidente.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang dahilan ng pagbagsak ng bahagi ng kisame. —ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)