Kautusan mula sa Mayor ng Baguio City sa mga maiingay ang tambutso na motor pinahuhuli

0
20

Baguio City – Ipinag utos na ni Mayor Benjamin Magalong ang paghuli ng mga motor na may maiingay na tambutso sa loob ng lungsod ng Baguio. 

Inatasan ni Mayor Magalong ang Hepe ng Baguio City Police Office na si Police Col. Francisco Bulwayan Jr., na bilang mamumuno sa nasabing kampanya lalo na sa paghuli ng mga motorsiklo na may maiingay ng mga tambutso.

Kabilang sa inutusan ni Mayor Magalong, ang Land Transportation Office at ang Public Order and Safety Division. Ang naturang pangkat ay dapat magsubmite ng kanilang pang araw-araw na accomplishment report magmula noong Martes, Oktubre a 10, 2023 ng kanilang huli na kabilang ang mga may ari ng motorsiklo na may open pipes na kung saan lumalabas ang malakas na ingay nito. 

Sinabi ng naturang mayor nakakatanggap siya ng karaingan o reklamo ng nakakasira ng tenga na mga tambutso ng mga motor nagiging sanhi ng pagdisturbo sa mga sambayanan sa anumang oras ng araw. May isa diumanong nagreklamo na ang mga ito ay nakakadisturbo sa kanilang barangay. 

Anang isang nagreklamo “Bulahaw na po sila sa alas 11 ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw sa Lower Brookside na parang may karera nangyayari at pag araw naman, grabe ang ingay ng mga motor na bukas ang tubo nito. 

Sa kaugnay na balita, mga kotse kasama na sa kampanya laban sa mga maiingay ng tambutso dito sa lungsod ng Baguio.

Mas pinalawak pa ni Mayor Benjamin Magalong ang kampanya laban sa mga maiingay na tambutso. Sa ngayon, anya ay kung dati eh ay ang mga motorsiklo, ngayon kasama na ang mga kotse.

Kanyang isinama ito matapos na nagbigay suhestyon ang mga mamamayan na nagsabi na may mga kotse na may maiingay ang tambutso nakakasira ng katahimikan ng mga tao.

Samanatala, iniulat ng Baguio City Police Office, na may dalawa na silang nahuli sa unang araw pa lang nang pagpapatupad ng kampanya laban sa mga maiingay ng tambutso ng mga motorsiklo.

Ayon kay Police Col. Francisco Bulwayan, ang dalawang sasakyan ay nahuli sa North Sanitary Camp at kapwa sila nabigyan ng citation tickets sa paglabag ng Land Transportation Franchising Regulatory Board Muffler Law. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply