Baguio City – Gagawin sa susunod na buwan ng September 3, 2023, ang kaunaunahang Historic Victory Day Bike Ride sa Baguio City na inaayos ng isang banko na may ari ng pamahalaan upang gunitain at bigyang parangal ang mga beterano noong nakaraang pangalawang digmaang pandaigdig.
Sa isang press conference sa Camp John Hay noong Lunes ng umaga, Ipinaliwanag Philippine Veterans Bank vice president Mike Villa-Real na ang ruta ay binubuo ng 44.5 kilometers kahaba.
Mag-uumpisa ito sa City Hall Ground ng Lungsod ng Bguio patungo ng Camp Allen, USAFIP-NL marker, Sablan View Deck, Philippine Military Academy at magtatapos sa US Embassy sa Camp John Hay.
Sinabi ni Ginoong Villareal ang nasabing gawain ay hindi isang tagisan o kompetisyon na matatawag ngunit may babayaran na anim na raang piso bilang registration fee na ibibigay sa lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio upang gamitin sa pangangalaga sa mga heritage sites ng ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kanyang idinagdag na ang Victory Day ay di gaanong nabigyan ng kahalagahan tulad ng Araw ng Kagitingan”, at hindi ito tumatak sa isipan ng publiko.
Samantala, Sinabi ni heneral Resty Aguilar, ng Philippine Veterans Affairs Office o ng PVAO malaking tulong sa kanila ang pagsasagawa ng naturang gawain upang maalaala ng kasalukuyang henerasyon ang mga ginawa ng mga beterano. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)
