Saturday, May 4, 2024

Kauna-unahang container barge terminal sa Cavite inaasahang magbubukas Huwebes

- Advertisement -

Inaasahang mabubuksan na sa Huwebes ang kauna unahang container barge terminal sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite.

Ang nasabing barge terminal, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay sinimulang itayo nuong isang taon sa ilalim ng ‘Build Build Build’  program.

Layon ng CGT na ma biyahe ang mga cargo mula sa international ports sa Metro Manila patungong Cavite at mga kalapit na port facilities sa Luzon gamit ang roro o roll on, roll off operations.

Kapag naging fully operational, ang naturang terminal ay makakatulong para mabawasan ang masikip na trapiko sa Metro Manila dahil ang cargo at container trucks ay idadaan sa tubig at hindi na sa kalsada.

Inaasahang 140,000 biyahe ng mga truck ang mababawas sa kalsada taun-taon kapag nagamit na ang barge terminal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img