Kauna unahang apo sa tuhod ni Pangulong Duterte ipinakilala na

0
48

Ipinakilala sa publiko ni Presidential Son at Incoming Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang kauna – unahang apo sa tuhod ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ipinakita ni Pulong ang larawan ng bagong silang na sanggol na pinangalang si Rodrigo Duterte III.

Ang naturang sanggol ay apo ni Pulong sa kanyang panganay na anak na si Rodrigo Duterte II.

Nagbiro pa ang bagong lolo na sa pagdating ng kanyang apo ay quits na sila ngayon ng kanyang anak.