29.8 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Kat De Castro itinalaga bilang bagong miyembro ng board of directors ng IBC-13

- Advertisement -

Hindi na magse-serbisyo si Kat De Castro bilang undersecretary ng Department of Tourism.

Sa halip, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Castro bilang bagong miyembro ng Board of Directors ng IBC – 13 o Intercontinental Broadcasting Corporation.

Hahalili si De Castro kay Manolito Cruz sa naturang posisyon habang papalit naman si Edwin Ragos Enrile bilang undersecretary ng DOT.

Kilalang nangampanya si De Castro para kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Samantala, itinalaga naman ng pangulo si Francisco Acosta bilang chairman ng Commission on Filipinos Overseas habang ang dating journalist na si Allan Nawal ay inilagay nilang miyembro ng board ng IRC Group of Companies.

Kasama rin sa binigyan ng bagong posisyon ay si Dating Deputy Executive Secretary Michael Ong bilang acting senior deputy executive secretary.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -