33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kasunduan sa pagbili ng P1-B lote sa Taguig na pagtatayuan ng New SC Building sinelyuhan na

- Advertisement -

Selyado na ang kasunduan para sa pagbili ng mahigit P1 billion halaga ng lote sa Taguig City na pagtatayuan ng bagong Supreme Court Complex.

Nilagdaan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang deed of absolute sale sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) para sa pagbili ng mahigit dalawang (2) ektaryang lupain sa dating Philippine Army Security Escort Group Area.

Ayon sa punong mahistrado, isang hakbang na lamang ang Korte Suprema upang makamit ang pangarap na makalipat sa kanilang bago at sariling tahanan.

Lumagda rin  sina Bersamin, BCDA President at Chief Executive Officer (CEO) Vivencio Dizon sa isang memorandum of agreement kay Public Works Secretary Mark Villar para naman sa konstruksyon ng  access road patungong C5.

Inaasahang matatapos sa susunod na taon ang bagong SC Complex na maaaring hindi na abutan ni Bersamin na nakatakda namang magretiro sa Oktubre taong 2019.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -