Kasong ‘rape’ ni Napoles sa listahan ng BuCor kinuwestyun ni Gordon

0
22

Kinuwestiyon ni Sen. Richard Gordon ang kasong ‘rape’ na kinakaharap ni Janet Lim Napoles sa listahan ng mga bilanggong napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Batay kasi sa isinumiteng listahan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Senado, kasama ang isang Napoles na may kasong ‘rape’ at hindi ‘plunder’ kung saan nahatulan ang tinaguriang pork barrel queen.

Ipinagtataka ni Gordon kung papaanong napalitan ang kaso ni Napoles sa naturang listahan.

Nais din alamin ng senador kung mayroon nga itong recommendation for release dahil ang mga bilanggong kabilang sa listahan ay may rekomendasyon na.